PNP at BPAT, Pinatatag ang ugnayan para sa mas ligtas at matatag na komunidad

0
Screenshot-2026-07-27-135625

Patuloy na pinagtitibay ng Philippine National Police (PNP) ang pakikipagtulungan nito sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa komunidad.

Noong Hulyo 27, 2026, bandang alas-7:28 ng umaga, nagsagawa si Pat. Nicanor Torres, Beat Patrol, ng dayalogo kasama ang mga nakatalagang miyembro ng BPATs sa San Isidro West Elementary School, Malilipot, Albay. Layunin ng aktibidad na palakasin ang koordinasyon, paigtingin ang ugnayan sa komunidad, at higit pang pagtibayin ang sama-samang pagsisikap sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa barangay.

Ang matibay na ugnayan sa pagitan ng PNP at BPATs ay mahalagang pundasyon sa pagbuo ng mas ligtas, mas maayos, at mas matatag na mga pamayanan. Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan at pagtutulungan, mas napapalakas ang kakayahan ng mga awtoridad at ng komunidad na tumugon sa mga hamon sa seguridad at mapanatili ang isang mapayapang kapaligiran para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *