Makati City Police, Nagsagawa ng Community Outreach Program sa Guadalupe Nuevo
Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Makati City Police Station ngayong Hulyo 27, 2026, alas-10:00 ng umaga sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City, sa pangunguna ni PCOL PEDRO A. ALAGANO, JR., Chief of Police, sa pamamagitan ng Community Affairs Section (CAS) na pinamumunuan ni PCPT PAMELA C. LEAL, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Makati at Makati Riders Philippines.

Kabilang sa isinagawang aktibidad ang dialogue at lecture hinggil sa Executive Order No. 70, pamamahagi ng mga grocery pack, at pagbibigay ng iba pang serbisyo para sa komunidad. Isinagawa ang programa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month na may temang, “Sa Bagong Pilipinas, Ugnayan ng Pulis at Mamamayan; Tapat, Maaasahan at Naramdaman ng Bayan.”
Nakinabang sa programa ang 100 indibidwal bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan na tugunan ang pangangailangan ng komunidad sa pamamagitan ng de-kalidad na serbisyo. Ang inisyatibong ito ay sumusuporta rin sa ika-5 State of the Nation Address (SONA) 2026 ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. at nakatuon sa pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng PNP at mamamayan.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapatatag ang police-community relations, mapalawak ang pakikipagtulungan sa mga katuwang na sektor, makapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan, at mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at lokal na komunidad. Sa pamamagitan nito, patuloy na isinusulong ang diwa ng Bayanihan at ang adhikain ng “Sa Bagong PNP, para sa Bagong Pilipinas, Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”