Clean-up Drive Drive Activity, isinagawa sa Mandaon Masbate

Mandaon, Masbate- Nakiisa ang Advocacy Support Groups MOVER sa isinagawang Clean-up Drive Activity sa Barangay Poblacion Public Cemetery, Mandaon Masbate nitong ika-27 ng Otubre 2023.

Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ng mga personahe ng Mandaon Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng BFP, Philippine Coast Guard at MDRRMO Mandaon.

Nagtulong-tulong ang mga kalahok sa paglilinis sa loob ng sementeryo bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita ng Undas. Layunin ng nasabing aktibidad na siguraduhing maging malinis at ligtas ang ating mga kababayan na bibisita sa mga sementeryo.

Patuloy ang pagtutulungan ng Pambansang Pulisya at ibat-ibang sangay ng pamahalaan at naturang organisasyon upang ipakita ang pakikipagkaisa at kahandaan ng bawat isa sa nalalapit na Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *