KKDAT-Pudtol nakiisa sa Clean-up Drive

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorista-Pudtol Chapter sa isinagawang clean-up drive sa may Apayao River, Barangay Swan, Pudtol, Apayao nito lamang ika-28 ng Oktubre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga operatiba ng Pudtol Municipal Police Station kasama ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Pudtol.

Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong na pinulot ang mga basurang nakatambak sa lugar na nagdudulot ng polusyon.

Ang aktibidad ay naglalayong hikayatin ang mga kabataan sa aktibong pakikiisa sa pagpapanatili ng kaayusanng komunidad para sa ligtas at malinis na kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *