Community Outreach Program naging matagumpay sa tulong ng iba’t ibang Advocacy Support Groups
Matagumpay na naisagawa ang Community Outreach Program sa tulong ng mga miyembro ng Advocacy Support Groups na ginanap sa Barangay 176 Phase 1, Slamvoiz Covered Court Bagong Silang, Caloocan City nito lamang Sabado, Pebrero 25, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga grupo mula sa Company Advisory Council, Rotary Club of Mandaluyong Central, CEO Photograpy, Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), Gawad Kalinga, BPAT Riders Group, Volunteer Support Group, sa koordinasyon kay Hon. Joel Bacolod, Barangay Chairman katuwang ang mga kapulisan ng 3rd MFC RMFB sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jonathan G Calixto, Force Commander ng RMFB,NCRPO.
Nagkaroon ng“Mobile Negosyong Handog ni Mamang Pulis” at PCR (CARAVAN) tulad ng Gift Giving, Libreng Gupit, at Feeding Program kung saan namahagi sila ng 100 piraso ng bitamina para sa mga bata, 100 piraso ng health kits, isang benepisyaryo ng Food Cart at pangkabuhayan showcase sa nasabing aktibidad.
Layunin ng grupo na bigyan ng pantay na atensyon ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag-abot sa bawat pamilya ng tulong na nabibilang sa mga mahihirap.