Baptist Church Pastors, nakiisa sa Community Outreach Program
Nakiisa sa isinagawang PNP Community Outreach Program ang mga Pastor ng Baptist Church sa Sulipat Elementary School, Calamba, Misamis Occidental nito lamang Disyembre 13, 2023.
Nakikiisa sina Rev. Pastor David Cunahap at Pastor Joerland Llabore ng Baptist Church sa isinasagawang Outreach program sa mababang paaralan ng Sulipat.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng 75 estudyante kasama ang kanilang mga guro na pinamumunuan ng kanilang principal na si Mr. Laureano T Quinlob.
Bawat mag-aaral ay nakatanggap ng food packs mula sa ating kapulisan. Layunin ng Simbahan at ng PNP na makapag-abot ng tulong sa ating mga mag-aaral upang mas lalo pang pag-igihan ang kanilang pag-aaral upang makamit ang kanilang kani-kanilang mga pangarap sa buhay.