KKDAT Aparri, aktibong nakiisa sa Clean-up Drive Activity

Aktibong nakiisa ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT)- Aparri Chapter sa isinagawang Clean-up Drive Activity sa kahabaan ng Brgy. Centro 2 at Centro 5, Aparri, Cagayan nito lamang Disyembre 12, 2023.

Masiglang nakilahok sa aktibidad ang mga Criminology students ng Lyceum of Aparri, residente at mga barangay officials katuwang ang mga tauhan Aparri Police Station.

Sama-sama at tulong-tulong ang mga grupo sa paglilinis at pamumulot ng mga iba’t ibang klase ng basura na nakakalat at nakatambak sa kahabaan ng nasabing lugar.

Ito ay naglalayong mapanatili at itaguyod ang katatagan ng malinis at maaliwalas na pamayanan. Gayundin, upang mapabuti ang kalidad ng mga likas na yaman at itaas ang kamalayan sa komunidad ang kahalagahan ng kalinisan sa ating kapaligiran.

Source: Aparri Police Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *