BPATs, nakiisa sa pagpapatrolya sa Santa Ignacia

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa isinagawang pagpapatrolya ng pulisya sa Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Martes, ika-12 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Santa Ignacia Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Joseph B Morden, Chief of Police. Kasama ang mga BPATs ay nagsagawa ang pulisya ng Mobile at Beat Patrol para maiwasan ang anumang krimen at kaguluhan na maaaring mangyari sa lugar.

Patuloy ang pagtutulungan ng mga BPATs at PNP upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *