Pamaskong Handog ng Christ’s Commission Fellowship (CCF), isinagawa sa Pasig City

Nagsagawa ng Pamaskong Handog ang Christ’s Commission Fellowship (CCF) para sa programang “Adopt-A-Learner/Student” sa M. H. Del Pilar Street, Brgy. Palatiw at Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City nito lamang Sabado, Disyembre 24, 2023.

Katuwang ng CCF ang kapulisan ng Pasig City Police Station sa pagbibigay ng gift packs sa mga tahanan ng kanilang mga napiling benepisyaryo. Ang “Adopt-A-Learner/Student” ay isang proyekto ng grupo upang tulungan ang mga mahihirap na mag-aaral.

Naglalayon itong tulungan silang ituloy ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng suportang pang-edukasyon, pagbibigay ng masustansyang pagkain, mga gamit sa paaralan, at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *