Global PCR Advocacy Support Group, nakiisa sa Community Outreach Program sa Candelaria, Zambales

Nakipagtulungan ang mga miyembro ng Global PCR Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay Dampay, Candelaria, Zambales nito lamang Sabado, ika-23 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Candelaria Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Ronand S Castro, Officer-In-Charge.

Nagkaroon ng feeding program at pamimigay ng mga food packs sa 100 na benepisyaryo sa lugar.

Patuloy ang pagtutulungan ng pulisya at Advocacy Support Group upang makapaghatid ng tulong sa pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *