KKDAT, nakiisa sa Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa Surallah, North Cotabato

Nagsagawa ng mahalagang pagpupulong ang mga miyembro ng Municipal Anti-Drug Council(MADAC) kasama ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at mga awtoridad sa Surallah Municipal HR Hall, South Cotabato nito lamang Huwebes, Enero 25, 2024. Pinangunahan ni Doctor Neil Crespo, Municipal Health Officer ang naturang aktibidad at nilahukan nina Hon.Pedro Matinong,Municipal Mayor, pati na rin ang Municipal Local Government Organization, Sangguniang Bayan Members,Brgy officials, BFP, RHU, DEPED at iba pang Kagawaran.

Katuwang din dito ang Surallah Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Conrado N. Jovero, Chief of Police.

Layunin ng pagpupulong na magkaroon ng updates ang bawat barangay kaugnay sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad sa kani-kanilang mga barangay.

Naging Sentro sa usapan ang patuloy na pagbibigay segurigad ng PNP sa mga barangay para makamit ang patuloy na pagbaba ng kaso ng lahat ng krimen lalong lalo na sa droga.

Ang programa ng DILG na Buha’y ingatan Drogay’y Ayawan (BIDA) ay patuloy na susuportahan at palalakasin ng Surallah PNP at komunidad para maging isang drug-free ang ating pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *