Advocacy Support Group Laguna Chapter, nakiisa sa Outreach pProgram at Talakayan ng SALAAM ng RCAD PRO 4A
Nagsagawa ng Community Peace Dialogue at Outreach Program ang mga tauhan mula sa SALAAM Section ng Regional Community Affairs and Development Division kasama ang Salaam Police Advocacy Group Laguna Chapter sa 30 Muslim sidewalk vendors at 30 non-Muslim na residente mula sa Brgy. Mamatid, Cabuyao City nito lamang ika-1 ng Pebrero 2024.
Sa aktibidad, tinalakay ng SALAAM-RCADD Personnel ang RA 11313 o ang Safe Spaces Act at preventing and Countering Violent Extremism (PCVE). Pagkatapos nito, ipinamahagi sa mga nasabing kalahok ang mga grocery items na naglalaman ng 3kg na bigas, brown sugar, kape, instant noodles, at iba’t ibang de-lata.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong palakasin ang mabuting relasyon sa pagitan ng pagpapatupad ng batas at komunidad ng mga Muslim.
Pinalalakas din nito ang papel ng mga force multipliers ng PNP sa pagpigil at pagkontra sa ekstremismo sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang mga responsibilidad bilang mamamayang masunurin sa batas at paghikayat sa kanila na suportahan ang kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga, terorismo at iba pang uri ng krimen o ilegal na aktibidad.