Livelihood Program, isinagawa sa Lungsod ng Calapan
Nagkaisa ang iba’t ibang sektor ng lipunan sa isinagawang livelihood program upang makapagbigay ng hanapbuhay sa mga residente ng Barangay Nag-iba 2, Calapan City, Oriental Mindoro nito lamang ika-6 ng Pebrero 2024.
Naisakatuparan ang programa sa pagtutulungan ng Sangguniang Barangay ng Nag-iba 2, Seacat Cooperative, Department of Social Welfare and Development (4 Ps), Tahanang Pantawid Calapan, City Health, Rotary Club of Downtown Calapan, at ang Calapan City Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Danilo U Driz Jr, Chief of Police.
Ang mga residente ay tinuruan ni Ginang Myra Literal kung paano ang proseso at paggawa ng dishwashing liquid.
Ang kakayahang ito ay makakapagbigay sa mga kalahok ng oportunidad na makagawa ng sariling dishwashing liquid at magkaroon ng potensyal na pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbebenta ng nasabing produkto.