One Day Mobile Services, para sa mga Manide Tribe
Naghatid ng serbisyong One Day Mobile Services ang Philippine Statistics Authority at Municipal Civil Registrar Office sa mga katutubong Manide Tribe Community na ginanap sa Barangay Exciban, Labo, Camarines Norte nitong Pebrero 7, 2024.
Ang programang ito ay inisyatibo ng Philippine Statistics Authority at Municipal Civil Registrar sa pakikipagtulungan ng R-PSB Team 3 Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company.
Nasa mahigit 80 Manide Indigenous Peoples Community ang nakinabang sa naturang programa kabilang na ang pagpoproseso ng kanilang mga dokumento tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate at National Identification Card, na isa sa pangunahing pangangailangan ng bawat isa upang magamit sa paghahanap ng trabaho at pagpasok sa eskwelahan.
Layunin ng programa na ipaabot sa ating mga kababayang Manide Tribe Community, na ang programa ng pamahalaan ay maipapaabot at makakarating sa kanila kahit sila ay nasa malayong lugar.