Advocacy Support Group, nakilahok sa Community Outreach Program

Nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program, Oplan Tuli at Free Haircut sa Purok 5, Sitio Compound, Ilog, Negros Occidental nitong ika-9 ng Pebrero 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Ilog Municipal Police Station at personal na dinaluhan ni Congresswoman Mercedes K Alvarez, 6th District Representative bilang guest speaker.

Kasama sa mga grupong nakiisa ang 604th Company Regional Mobile Force Battalion 6, Regional Police Community Affairs and Development Unit 6, Philippine Army, Barangay Dancalan Overseas Filipino Workers Association, Department of Social Welfare and Development Ilog, Alpha Kappa Rho, Tau Gamma Phi, Barangay Peacekeeping Action Teams, Force Multipliers, at mga Barangay Officials ng nasabing lugar.

Nagsimula ang aktibidad sa pagbibigay ng talakayan ukol sa Drug Awareness at Anti-Terrorism.

Naghandog din sila ng libreng Haircut mula sa Philippine Army at PNP at Oplan Tuli na pinangunahan ni Dr. Edjin Relatos, Municipal Health Doctor ng Ilog na sinundan ng pamamahagi ng mainit na sopas at tinapay sa mga bata na sinabayan ng maikling palaro para sa mga residente.

Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad upang suportahan ang mga adhikain ng ating gobyerno at alinsunod sa programa ng pangulong Ferdinand “Bongbong” R Marcos Jr. na matulungan ang mga kababayan nating lubos na nangangailangan para sa ikauunlad ng ating bansa.

Source: Ilog PNP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *