dvocacy Support Groups, nagsagawa ng Tree Planting Activity
Matagumpay na isinagawa ang Tree Planting Activity ng mga Advocacy Support Groups sa Barangay Tandung Ahas, Lamitan City, Basilan noong ika-11 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng KAAKIBAT CIVICOM at KABALIKAT CIVICOM katuwang ang 1403rd B Regional Mobile Force Battalion sa pamumuno ni Police Major Ferick G Comafay, Company Commander, Regional Police Community Affairs and Development Unit – BAR sa pangangasiwa ni Police Colonel Jaime N Barredo, Jr., Basilan Police Provincial Office, 18th Infantry Battalion, Philippine Army, at Lamitan City Environemnt and Natural Resource Office.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang ecosystem sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga mangroves at maging hakbang sa pagprotekta ng mga baybayin sa komunidad.
Patuloy na magkakaisa ang mga kapulisan at Advocacy Support Groups na itaguyod ang mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang magandang ugnayan ng kapulisan sa mga mamamayan.