Joint Mangrove Planting Activity, isinagawa sa Pandami, Sulu
Nagsagawa ng Joint Mangrove Planting Activity ang mga tauhan ng Philippine Army “Alpha Coy” at mga miyembro ng Pandami Sulu Municipal Police Station sa Barangay Suba-Suba, Pandami, Sulu noong ika-15 ng Mayo 2024.
Naging matagumpay ang naturang aktibidad dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng 104 Infantry Battalion, 11 Infantry Division katuwang ang mga miyembro ng Pandami Sulu MPS.
Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang kagandahan ng kalikasan para sa susunod na mga henerasyon. Hindi lamang ang pagprotekta sa kapaligiran ang mahalaga, kundi maging prayoridad din ang pagtatanim ng mas maraming puno upang mapanatili ang malusog na kapaligiran.
Patuloy na makikipagtulungan ang Pandami Sulu PNP sa ibang ahensya ng gobyerno upang mas maprotektahan ang kalikasan at makaiwas sa anumang uri ng sakuna.