Tree Planting Activity, isinagawa ng BLGU sa Sulu

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Barangay Local Government Unit (BLGU), Sulu sa Barangay Umangay, Patikul noong ika-15 ng Mayo 2024.

Aktibo ring nakiisa sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng National Power Corporation, Sulu, 54th PNP SAF, 21st Infantry Batallion Philippine Army, 1404th Regional Mobile Force Batallion-B, Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy-Sulu, BFP-Sulu at mga miyembro ng Patikul Municipal Police Station.

Ang aktibidad na ito ay may temang “Build Today, Plant for Tomorrow” na naglalayong itaas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno nang mabawasan ang pagbabago ng klima at mas pag-usbungin ang kagandahan ng kalikasan.

Patuloy naman ang mga kapulisan sa pagsuporta sa mga ganitong aktibidad upang mahikayat ang publiko na makiisa sa mga programa ng pamahalaan para mapangalagaan, mapanatili at maging bahagi sila ng pangangalaga sa kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *