KKDAT Besao Chapter, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo ng Tree Planting Activity sa Mam-oli, Besao, Mountain Province nito lamang ika-19 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng Besao Municipal Police Station katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Local Government Unit (LGU) ng nasabing lugar.

Matagumpay na nakapagtanim ang naturang grupo ng 70 pine tree seedlings sa nasabing lugar.

Samantala, pinuri ni PLt Auguston P Dawiguey, Deputy Chief of Police ng Besao MPS, ang mga miyembro ng KKDAT sa kanilang dedikasyon at pagsisikap na makatulong sa pamayanan.

Ang aktibidad ay naglalayong palawakin ang kamalayan at ugnayan sa bawat miyembro ng komunidad sa adbokasiyang natataguyod sa
pangangalaga sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *