Advisory Support Group, nagsagawa ng Outreach Program sa Pagdiriwang ng World No Tobacco Day 2024
Nagsagawa ng Outreach Program ang mga Advisory Support Group sa Barangay Poblacion, Kiamba, Sarangani Province nito lamang ika-21 ng Mayo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga Advisory Support Group, Department of Health, BFP, Kabataan Kontra Droga at Terorismo katuwang ang mga kapulisan ng Kiamba Municipal Police Station at 2nd Sarangani Provincial Mobile Force Company.
Ang aktibidad ay may temang Protecting Children from Industry Interference na nag-Selebra sa World No Tabacco Day 2024.
Nagbigay ng iba’t ibang programa gaya ng Zumba, Outreach Program, Motorcad at Pulot Upos/Oplan Baklas sa nasabing barangay.
Sa tulong ng mga katuwang na ahensya at organisasyon, patuloy ang hangarin na protektahan at pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan laban sa mga masamang epekto ng tabako at iba pang mga bisyo.
Panulat ni Arki