Tri-Cab drivers, nakiisa sa isinigawang talakayan
Nakiisa ang mga Tri-Cab drivers sa isinagawang talakayan patungkol sa Drug Awareness kaugnay sa Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program, NTF-DPAGs, Preventing and Controlling Mobility ng mga Motorsiklo na riding suspects, carnapping, campaign against smuggled cigarettes, Republic Act 9165, RA 8353 o Anti Rape Law, RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, RA 9208 o Anti-Trafficking in Person Law, RA 11313 o Safe Spaces Act, at RA 4136 at Awareness on Anti-Smoking and Vaping Campaign na ginanap sa Traffic Section Office, Pagadian City Police Station nito lamang ika-24 ng Mayo, 2024.
Pinangunahan ito ni Police Master Sergeant Madonna S Matas, CCAD Clerk, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Gelzin Niño R Manese, Acting Chief of Police ng Pagadian CPS.
Layunin ng aktibidad na ito na maibahagi sa mga Tri-Cab drivers ang kanilang mga kaalaman at makaimpluwensya ng tamang disiplina na kinakailangan sa araw-araw na gawain at pagiging isang mabuting mamamayan ng isang bansa upang makamit ang ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Kaye Francisco