BPATs, nakiisa sa Tree planting Activity
Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang tree planting activity sa Upper Ilaya, Barangay Colon, Maasim, Sarangani Province nito lamang Hunyo 19, 2024.
Ang pakikilahok ng mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ay pinamumunuan ng LGU Maasim, kasama ang mga miyembro ng Maasim Municipal Police Station, at Maasim MENRO, na pinangunahan ni Ma’am Alejandra G Sison, at Barangay Officials.
Matagumpay na nakapagtanim ng mahigit 200 kawayan seedlings at 300 fruit bearing trees seedlings ang mga lumahok sa nasabing aktibidad na may layon na palawakin ang pagpapahalaga sa kalikasan at mas padamihin ang mga puno ng prutas.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa programa ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na “Buhayin ang Pangangalaga ng Kalikasan” upang ganap na itaguyod ang mas magandang kapaligiran para sa komunidad.