BADAC Meeting, isinagawa sa Alcoy, Cebu

Nagsagawa ng buwanang BADAC Meeting ang mga opisyales ng barangay na ginanap sa
Barangay Daanlungsod, Alcoy, Cebu, noong ika-8 ng Mayo 2025.
Nakiisa din ang mga kapulisan mula sa Alcoy Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Jerry D. Magsayo, Officer-in-Charge .
Isa rin sa mga layunin ng pagpupulong ay ang pagbawas sa paglaganap ng ilegal na droga sa pamayanan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga alternatibong programang pangkaunlaran. Sa ganitong paraan, hindi lamang panandaliang solusyon ang inaasahan kundi ang pangmatagalang pagbabago para sa ikabubuti ng komunidad.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan at kaalaman ng mga opisyal ng barangay sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin kaugnay sa kampanya kontra droga.