Kampanya Laban sa Droga at Krimen, tinalakay sa Orientation ng Criminology Interns ng UM-Tagum

Tinalakay ang kampanya kontra ilegal na droga at mga hakbang sa pagpigil ng krimen ng kinatawan mula sa Regional Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) 11 para sa mga criminology interns ng University of Mindanao-Tagum noong Miyerkules, Mayo 8, 2025.
Ang orientation ay idinaos sa Davao del Norte Police Provincial Office, kung saan ipinaliwanag ng kinatawan ng RPCADU-11 ang mga kasalukuyang programa ng Philippine National Police (PNP), kabilang na ang kanilang mga hakbang laban sa ilegal na droga at mga estratehiya para sa crime prevention sa mga komunidad.

Layunin ng aktibidad na mapalalim ang pag-unawa ng mga criminology interns sa mga responsibilidad ng mga pulis at ang aktwal na proseso ng pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa mga lokal na pamayanan.