Mga Kabataan, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Basilan

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga Kabataan ng Barangay Balas, Lamitan City, Basilan nito lamang ika-8 ng Hulyo 2024.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga Kabataan at mamamayan ng naturang lugar katuwang ang 3rd Regional Mobile Force Company na pinamumunuan ni Police Major Ferick Jay Comafay na kung saan ay nakapagtanim ang grupo ng punong narra.

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno, hindi lamang tayo nag-aambag sa pangangalaga ng ating kalikasan kundi ipinapakita rin natin ang ating pagmamalasakit sa kapaligiran.

Ang aktibidad ay patunay lamang na ang mamamayan at buong hanay ng PNP ay patuloy na magsasagawa ng mga hakbang tungo sa maayos at maunlad na bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *