BPATs, nakilahok sa Re-orientation at Enhancement Seminar sa Kabankalan, Negros Occidental
Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa Re-orientation at Enhancement Seminar na ginanap sa Xaris Function Hall, Barangay 3, Kabankalan City, Negros Occidental nitong ika-10 ng Hulyo 2024.
Ang nasabing seminar ay isinagawa ng Kabankalan City Component Police Station na dinaluhan ng nasa 116 na opisyal at miyembro ng BPATs mula sa walong barangay na kinabibilangan ng Carol-an, Tan-awan, Magballo, Tapi, Orong, Oringao, Tagoc, at Tagukon.
Layunin ng aktibidad na ito na bigyan ng karunungan at kaalaman ang mga BPATs upang maging mas epektibo sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga komunidad.
Patuloy ang grupo sa mga ganitong uri ng pagsasanay upang mas lalo pang mapalakas ang kakayahan ng mga lokal na tagapagpatupad ng batas at magbigay ng mas epektibong serbisyo sa komunidad.
Source: PCADG Western Visayas
Panulat ni Andrea Dominique G Depalubos