2nd Disaster Risk Reduction Summer Youth Camp, pinangunahan ng JCI Davao Gulf
Matagumpay na nagtapos ang isinagawang dalawang araw na Disaster Risk Reduction (DRR) Summer Youth Camp ng JCI Davao Gulf nito lamang ika-14 ng Hulyo, 2024 sa Jas New Municipal Fire Station, Davao Occidental.
Sa taong ito ay binigyang-diin ng pagtitipon ang Public Safety and Security sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga kabataan na makiisa sa mga programa sa komunidad at aktibong makipagtulungan sa PNP, AFP, BFP at iba pang pampublikong opisina.
Tinutukan sa pagtitipon na ito ang Maritime Preparedness, Mental Health Awareness, Leadership Management, Basic Life Support (BLS), Standard First Aid at Basic Fire Safety. Tinalakay naman ng mga tauhan ng Jas Municipal Police Station ang Anti-Rape Law of 1997 at Crime Prevention Tips.
Sa kabuuan, ang DRR Summer Youth Camp Year 2, ay nag-iwan ng matibay na marka sa mga kabataang pinuno na nakilahok.
Ang kanilang pinahusay na mga kasanayan at mas matalinong kamalayan ay tiyak na makakatulong sa pagtatayo ng isang mas matatag at proaktibong komunidad.