Barangay Officials, nanguna sa Brigada Eskwela
Aktibong pinangunahan ng mga Barangay Officials at Sangguniang Kabataan ng Barangay Paruk, Siay, Zamboanga Sibugay ang Oplan Balik Eskwela 2024 na may temang “Bayanihan para sa matatag na Paaralan” sa Paruk Elementary School sa nasabing barangay nito lamang Linggo, ika-21 ng Hulyo 2024.
Mula sa pagbubunot ng mga damo hanggang sa pag-ayos ng mga sirang kisame ay aktibo namang nakiisa ang 2nd Provincial Mobile Force Company ng Sibugay sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Atty. Flint S Depnag, Force Commander.
Ang aktibidad na ito ay layuning suportahan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigayng ligtas at malinis na kapaligiran kung saan maaaring ituon ang pansin sa pag-aaral habang tinatamasa ang mga masasayang alaala na kanilang nililikha sa paaralan.