BPATs, nakiisa sa pagbibigay seguridad sa Bacuag
Katuwang ang Bacuag PNP ay nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peace-keeping Action Team (BPAT) sa ikinasang security assistance noong Agosto 3, 2024 bandang 8:00 ng gabi sa Brgy. Payapag, Bacuag, Surigao del Norte.
Bukod sa pagtatanod, nagsagawa rin ng pakikipag-ugnayan sa komunidad ang BPATs at PNP upang mapigilan ang mga gawaing kriminal at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Ang ganitong mga aktibidad ay nagpapakita ng mahalagang papel ng kooperasyon sa pagitan ng PNP at BPATs sa pagsugpo ng krimen at pagpapanatili ng kapayapaan sa bawat barangay.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan at pagtutulungan, natitiyak na ang seguridad at kapayapaan ay mananatiling pangunahing layunin ng bawat isa.