Gender-Based Violence Symposium at Project JUANA, inilunsad sa Davao City
Nagtipon-tipon ang mga kababaihan ng Barangay Calinan sa isinagawang Gender-Based Violence Symposium at Project JUANA nito lamang Setyembre 11, 2024 sa Barangay Subasta, Calinan District, Davao City.
Ang naturang programa ay pinangunahan ng Davao City Police Office-Family Juvenile Gender and Development sa ilalim ng pamumuno ni Acting City Director Police Colonel Hansel M Marantan at naisakatuparan sa aktibong suporta ng lokal na pamahalaan ng Barangay Subasta.
Dagdag pa, ito ay isinagawa upang mapalakas ang kampanya sa pagpapalaganap ng kaalaman sa pagtugon sa mga isyung may kinalaman sa kasarian at itaguyod ang mga karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at mga bata.
Ang proyekto ay pangunahing nakatuon sa pagpapahusay ng kakayahan ng PNP sa paghawak ng mga kaso na may kinalaman sa Violence Against Women and their Children (VAWC), kabilang ang pambubugbog sa loob ng tahanan, sexual harassment, at human trafficking.