ROTC Students, nakiisa sa Information Drive Awareness
Dumalo at nakiisa ang mga miyembro ng Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) ng State College of Marine Science and Technology sa isinagawang lecture noong Huwebes, ika-12 ng Setyembre 2024.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Zamboanga City Mobile Force Company ang nasabing aktibidad sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Christopher M. Mendoza, Force Commander.
Tinalakay sa aktibidad ang mga mahahalagang paksa tulad ng Preventing the Resurgence of Violence at Lessons from the Zamboanga Siege, kung saan ibinahagi ang mga natutunan mula sa mga nakaraang karanasan at estratehiya sa pagpigil sa muling pag-usbong ng karahasan.
Layunin ng aktibidad na mapahusay ang kasanayan ng mga estudyanteng ROTC sa oras ng operasyon ng pagliligtas at paghahanda sa oras ng sakuna o krisis.
Bukod dito, ito ay isang hakbang upang palakasin ang kamalayan at kakayahan ng mga kabataan na maging handa sa pagtugon sa mga hamon ng seguridad at kaligtasan sa kanilang komunidad.