Mga mag-aaral sa Baler Stand Alone Senior High School, nakiisa sa School-Based Joint Symposium/Awareness Lecture ng Aurora 1st PMFC
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Baler Stand Alone Senior High School sa isinagawang School-Based Joint Symposium/Awareness Lecture ng mga tauhan ng Aurora 1st Provincial Mobile Force Company sa Baler Stand Alone Senior High School, Sitio Setan, Brgy. Calabuanan, Baler, Aurora nito lamang Sabado, ika-21 ng Setyembre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Corporal Aiza M Somera, Assistant MFCAD PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jun S Dela Cruz, Acting Force Commander, katuwang si Mr. Roger Anthony L. Corbadura, Social Worker Assistant at ng Supreme Secondary Learner Government ng naturang lugar. Binigyan ng kaalaman ang mga estudyante patungkol sa BIDA Program, Anti-Drug Campaign, Anti-Smoking, Anti-Bullying Campaign, Anti-Helmet Law, Executive Order 70 (NTF-ELCAC), Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), and Knowing the Enemy (KTE) at ng Responsible Teenagers: Strategies Against Substance Abuse and Juvenile Delinquency.
Layunin ng aktibidad na ito na maturuan at mabigbigyan ng kaalaman ang mga estudyante at madagdagan ang kanilang kamalayan laban sa ilegal na droga, ang laganap na panlilinlang ng mga CTGs at iba pang kaalaman patungkol sa krimen upang mapanatiling maayos at tahimik ang pamayanan.