KKDAT Symposium, isinagawa sa Eastern Samar
Matagumpay na isinagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT Symposium sa mga estudyante ng Eastern Samar State University sa Brgy. Tabunan, Borongan City, Eastern Samar, nito lamang Setyembre 28, 2024.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Eastern Samar Police Provincial Office na dinaluhan ng 1st year at 2nd year NSTP student’s ng nasabing paaralan. Ang mga paksang tinalakay ay ang RA 9165 na kilala rin bilang Dangerous Drug Act of 2002, Women and Children Protection Desk at Republic Act 8353 (Anti-Rape Law of 1997) at pagpapakilala ng PD MACASIL KAUGUP Anti-Criminality Strategy o (Kriminalidad Atuhan ngan Utdon, Gobyerno Ugupan, Para han kamurayawan ngan kauswagan).
Ang naturang aktibidad ay naglalayong linangin ang kaligtasan at seguridad para sa lahat ng residente ng Eastern Samar.
Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kamalayan at paghikayat, ang symposium ay hindi lamang naglalayong ipaalam kundi pati na rin ang pagbibigay ng inspirasyon sa pagkilos tungo sa isang mas ligtas, walang droga na kapaligiran at ang proteksyon ng bawat isa.