Mga mag-aaral, nakiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Negros Oriental

Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na ginanap sa Brgy. Poblacion, III-District Central Elementary School, Sta. Catalina, Negros Oriental noong ika-26 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Sta.Catalina MPS, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Gerry Avenido Leones, kasama ang 705th Maneuver Company, BFP Sta. Catalina, MDRRMO, at mga guro ng paaralan.

Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kahandaan ng mga guro, mag-aaral, at iba pang kalahok sa oras ng lindol.

Sa pamamagitan ng regular na earthquake drills, mas nagiging handa ang bawat isa sa mga maaaring panganib na dulot ng kalamidad. Sa ilalim ng bagong pamahalaan at sa adbokasiya ng “Bagong Pilipinas,” binibigyang-diin ang mas aktibong pagkilos patungkol sa disaster preparedness at resiliency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *