Community Outreach Program isinagawa sa Misamis Occidental

Nagsagawa ng Community Outreach Program ng kapulisan ng Clarin Municipal Police Station ang sa Brgy. Dolores, Clarin, Misamis Occidental nito lamang ika-19 ng Pebrero 2023.

Katuwang sa aktibidad ang Assembly of God Church, Philippine Coast Guard-Clarin at Stakeholders Partner Ozamis Confession. Nakapamahagi ang grupo ng mga hygiene kits at libreng gamot at bitamina sa 50 na katao ng Brgy Dolores. Bukod pa dito ay nagkaroon din ng feeding program, ear piercing at Random Blood Sugar Test.

Pasasalamat naman ang naging sukli ng mga nakiisa sa naturang serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *