SOCCSKSARGEN Riders namahagi ng 1,000 set ng school supplies
Nakapaghatid ng kasiyahan at serbisyo ang SOCCSKSARGEN Riders sa mga mag-aaral ng Bolebak Integrated School, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang Lunes, Pebrero 20, 2023.
Ang isinagawang pagbisita at pagtulong ay bunga ng patuloy na pagtutulungan alinsunod sa KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) Program sa pangunguna ng mga iba’t-ibang riders sa Rehiyong 12 kasama ang Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) PRO-12 at Lebak PNP.
Nasa 1,000 set ng school supplies na naglalaman ng plastic envelopes, notebooks, plastic rulers, mga lapis, ball pens, sharpeners at erasers ang naipamahagi ng mga riders sa mahigit 500 mag-aaral.
Kaya naman laking pasasalamat ng mga mag-aaral at mga guro, lalong-lalo na sa mga magulang sa libreng gamit pang eskwela na naghatid naman ng tuwa sa mga kabataan, dahil bukod sa tig-isang set na natanggap na mga school supplies ay meron pang libreng meryenda.
Layunin ng programa na matulungan ang mga estudyante na patuloy na nagsusumikap na makapag-aral sa gitna ng hamon ng kahirapan.