KKDAT-Paracelis nagsagawa ng Outreach Program

Nagsagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Paracelis Chapter ng Outreach Program sa Cabulalaan Elementary School, Cabulalaan, Palitud, Paracelis, Mt. Province nito lamang Pebrero 18, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng KKDAT Paracelis Chapter katuwang ang Mount Awingan Bantay, Paracelis, Mt.Province, 1st Maneuver Platoon 2nd Mt. Province Provincial Mobile Force Company at sa suporta nina Hon. Brgy. Capt Tessie D. Lapitan, SK Glesan Badua, at SB Marciano Lappao.

Nasa 31 estudyante ang nabiyayaan ng school supplies. Nagkaroon din ng story telling, pagbasa, brigada at feeding program.

Layunin ng aktibidad na tulungang palakasin ang nutrisyon ng mga estudyante, matulungan sa mabisang pagbasa at patatagin ang ugnayan sa mga kabataan katuwang ang mga lokal na pamahalaan at pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *