3-Day Medical and Dental Mission isinagawa sa Cagayan de Oro City

Isinagawa ang 3-Day Medical and Dental Services sa Brgy. Puntod, Cagayan de Oro City nito lamang Pebrero 22 – 24, 2023.

Ang aktibidad ay naging posible sa pagsisikap ng Bisaya Medical Association (BMA) Inc., Polymedic Medical Plaza – CDO at nagbigay naman ng security assistance ang Cagayan de Oro City PNP.

Aktibo din na lumahok ang mga Medical Doctors, Dentists, Teachers, Barangay Health Workers, City Health Personnel at iba pang mga miyembro ng organisasyon na nagbigay ng serbisyong Medical at Dental.

Labis naman ang pasasalamat ni PCol Aaron M Mandia, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office sa mga nasabing organisasyon na nagbigay ng libreng serbisyo sa mga residente ng Barangay Puntod.

Layunin ng gawaing ito na maihatid sa mga mamamayan ng Cagayan de Oro ang mga serbisyong medikal at dental gayon din ang libreng konsultasyon sa tulong ng iba’t ibang organisasyon katuwang ang Cagayan de Oro City PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *