Community Outreach Program isinagawa sa Misamis Oriental

Matagumpay na naisagawa ang Community Outreach Program na ginanap sa Sitio, Curnao, Brgy. Umagos, Lagonglong, Misamis Oriental nito lamang Pebrero 23, 2023.

Sa naturang aktibidad ay nagtulungan ang iba’t ibang sangay ng gobyerno upang maibahagi ang serbisyong medikal, pamimigay ng gamot, foodpacks na naglalaman ng bigas, delata at instant noodles.

Nagbigay naman ng Security Assistance Ang 58th Infantry Battalion, Philippine Army, Philippine Coast Guard at mga miyembro ng Police Regional Office 10 upang siguruhing ligtas at payapa ang naturang aktibidad na naglalayong maiabot ang dekalidad na serbisyo lalo na sa liblib na lugar sa Hilagang Mindanao tungo sa isang mapayapa at maunlad na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *