Force Multipliers at KKDAT nakiisa sa Community Outreach Program sa San Simon, Pampanga

Nakiisa ang mga miyembro ng The Fraternal Order of the Eagles, Kaagapay Supreme Law Enforcer, Alpha Eagles Club Central Luzon at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Community Outreach Program sa Sto. Niño Elementary School, San Simon, Pampanga nito lamang Lunes, ika-27 ng Pebrero 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng San Simon PNP katuwang ang Regional Community Affairs and Development Unit 3.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng feeding program at nagbigay kaalaman ang PNP patungkol sa maling maidudulot ng ilegal na droga sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng PNP at Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers sa paghahatid ng tulong at paglilinang ng kaalaman ng mga mamamayan lalo na ang mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *