3-Day BPATs Training, isinagawa sa Villaverde Nueva Vizcaya
Tatlong araw ang isinagawang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) Training sa munisipalidad ng Villaverde Nueva Vizcaya noong Marso 1-3, 2023 na ginanap sa Verde Villa Pavillion, Barangay Bintawan Sur.
Higit-kumulang na 54 na barangay tanod mula sa siyam na barangay ang dumalo kasama ng kanilang mga Barangay Kagawad na pinuno ng kanya-kanyang Peace and Order Committee.
Sa tatlong araw ng kanilang pagsasanay, pinag-aralan ng mga kalahok ang kanilang mga tungkulin bilang mga Brgy. Tanods, BADAC at Barangay Auxiliary Teams; First Responders Course; CICL Intervention Program; Salient Features of several Special Laws; Self-Defense/ Basic Arnis Techniques; Arrest and Handcuffing Techniques; Basic Life Support/ Disaster Management Training; Basic Concept of Patrol Operations; Bomb Identification Technique.
Ayon kay Police Major Nova Lyn Aggasid, Hepe ng Villaverde Police Station, ang pagsasanay ay alinsunod sa Executive Order No.546, na nagpapahintulot sa PNP na italaga ang mga barangay tanod bilang force multipliers sa pagpapatupad ng planong pangkapayapaan at kaayusan na napapailalim sa pagsang-ayon ng Local Chief Executive sa pamamagitan ng Local Peace and Order Konseho (LPOC).