Youth for Peace, nakiisa sa Brigada Pagbasa

Nakiisa ang mga miyembro ng Youth For Peace – Apayao Chapter sa isinagawang Brigada Pagbasa sa Pudtol Vocational High School, San Luis, Pudtol Apayao nito lamang Marso 6, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng 1st Apayao Provincial Mobile Force Company.

Matagumpay ang aktibidad sapagkat nakapagturo ang mga naturang grupo ukol sa reading comprehension, oral reading at vocabulary response sa 20 estudyante ng nasabing paaralan.

Ang aktibidad ay naglalayon bigyan suporta at tulong ang mga paaralan para sa dekalidad na edukasyon para sa mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *