BPAT’s, nakiisa sa pagsasanay sa Arrest at Handcuffing Technique sa Misamis Oriental

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa pagsasanay tungkol sa Arrest at Handcuffing Technique na ginanap sa Covered Court, Brgy. Pambugas, Claveria, Misamis Oriental nito lamang Marso 5, 2023.

Lumahok sa pagsasanay ang mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay Claveria, Misamis Oriental sa pangunguna ni Police Captain Kenrich M Tyson sa pangangasiwa ni Police Colonel Gonzalo C Villamor Jr, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office.

Nasa 15 miyembro ng BPATs ang matagumay na nakatapos ng naturang pagsasanay.

Bukod dito, tinuro din ang tungkulin at mga dapat gawin ng isang first responder sa kapag may nangyaring krimen upang mas mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad na kaagapay ng Pambansang Pulisya katuwang ang BPAT’s upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *