Provincial Youth Summit 2023 isinagawa sa Imus, Cavite
Nagsagawa ang Cavite LGU at PNP ng Provincial Youth Summit 2023 na kaugnay sa Anti-illegal Drug Campaign na BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) Program at KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) sa Imus Sport Complex, F. Tirona, Barangay Poblacion 2B, Imus City, Cavite nito Marso 18, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Undersecretary Felicito A. Valmocina, Department of Interior and Local Government (DILG), Barangay Affairs, bilang Guest of Honor and Speaker.
Pinangasiwaan naman ni Police Colonel Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office ang aktibidad na siyang dinaluhan nina Hon. Ram Revilla Bautista, Board Member, 2nd District Cavite; LGOO VI Joseph Ryan V. Geronimo, City Local Government Operation Officer ng Imus City; Hon. Tom Carlo R. Ardemer, President, Provincial SK Federation kabilang ang 2,484 na Cavite SK Presidents at mga Council Members, at iba pang bisita mula sa probinsya ng Cavite.
Tinalakay ni Rev. Ephraim T. Segovia, Regional Director, CALABARZON, BADs sa aktibidad ang Battle Against Drugs (BAD). Nagbahagi naman karanasan ang mga miyembro ng Hands Off Our Children Movement (HOOC), ng grupo ng mga magulang na kung saan ang kanilang mga anak ay naging biktima ng terorismo, upang makatulong sa pagpapalaganap ng mga masasamang gawain ng mga makakaliwang grupo.
Nagkaroon din ng Oathtaking at MOA Signing ang mga nagsidalo bilang pakikipagtulungan at pagbigay suporta sa naturang programa.
Layunin ng Provincial Youth Summit na pakilusin, bigyan ng kasangkapan at sapat na kaalaman ang mga kabataan ng Cavite na maging matatag na katuwang para sa kampanya laban sa ilegal na droga at maging kaakibat sa community mobilization program ng gobyerno.