Advocacy Support Group, Nakiisa sa Bloodletting Activity sa Iloilo City

Iloilo City- Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Bloodletting Activity na ginanap sa Robinsons Place, Iloilo nito lamang ika-22 ng Marso 2023.

Ang naturang aktibidad ay inisyatiba ng Iloilo City Police Office na tinaguriang “Dugong Ilonggo kag Pulis ICPO” katuwang ang Philippine Red Cross Iloilo Chapter na dinaluhan din ng Iloilo City Advisory Council for Police Transformation and Development.

Matagumpay na nakaipon ng 41 bag ng dugo na may kabuuang 18,450 CC sa pangunguna ng Red Cross Iloilo Chapter.

Layunin ng mga grupo na makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagdodonate ng dugo para magkaroon ang kanilang lungsod ng sapat na dugo para sa pangangailangang medikal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *