BPAT’s nakiisa sa Tree Planting Activity sa Caloocan City

Masayang nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPAT) sa Sherterville Village, Brgy 171, Bagumbong, Caloocan City, nito lamang ika-21 ng Marso 2023.

Pinangunahan ng mga tauhan ng 4th Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Major Vilmer P Miralles, Company Commander katuwang ang ibang opisyales ng barangay.

Ang nasabing grupo ay nakapagtanim ng 50 piraso ng Mahogany seedling sa lugar.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong isulong ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno para mas mapaganda ang simoy ng hangin at maiwasan na rin ang pagguho ng lupa o pagbaha sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *