KKDAT, Nakiisa sa Clean-up Drive sa Mt. Province

Nakiisa ang mga miyembro Kabataan Kontra Droga at Terorismo – Guinzandan Norte at Central Chapter sa isinagawang Clean Up Drive sa Bayudan River, Guinzadan, Bauko, Mt.Province nito lamang Marso 22, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng 1st Mt. Province Provincial Mobile Force Company, mga miyembro ng KKDAT Guinzadan Norte at Central Chapter, mga miyembro ng religious sector, barangay officials at ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs).

Nagpulot at naglinis ang naturang grupo ng mga basura at nakalikom ng mga sako sakong basura mula sa paligid ng nasabing ilog.

Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng kapaligiran at hikayatin ang mga residente sa tamang pagtatapon ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *