CENRO Sta. Rita, nakiisa sa Clean-up Drive sa Samar

Nakiisa sa isinagawang Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office Sta. Rita sa Brgy. Pinamitinan at Sta. Rita Marabut, Samar noong Marso 23, 2023.

Naging matagumpay ang aktibidad dahil sa pagtutulungan ng Community Environment and Natural Resources Office Sta. Rita katuwang ang mga tauhan ng Marabut Municipal Police Station at mga residente ng nasabing lugar.

Nagpasalamat naman ang mga residente dahil sa pagtulong ng nasabing grupo at hangad nila na panatilihing malinis ang dalampasigan upang maiwasan ang mga sakuna tulad ng tsunami at baha.

Ang patuloy at matagumpay na pagsasakatuparan ng aktibidad ay bahagi ng mga hakbangin ng grupo upang ipakita ang malasakit sa kalikasan para sa kapakanan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *