KKDAT, nakiisa sa Community Outreach Program sa La Paz, Tarlac

Nakipagtulungan ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa Community Outreach Program sa Brgy. Bantog, La Paz, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-22 ng Marso 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng La Paz PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Joy Turaray, Chief of Police.

Namigay ang grupo ng mga food packs sa mga labis na nangangailangan.

Patuloy naman ang ugnayan ng mga miyembro ng KKDAT, mga kapulisan at mamamayan upang makapag-abot ng tulong sa pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *