KKDAT, nakiisa sa Clean-Up Drive sa Oriental Mindoro

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Coastal Clean-Up Drive sa Brgy. Zone I, Pinamalayan, Oriental Mindoro nito ika-4 ng Abril 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng 2nd Provincial Mobile Force Company, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Barangay officials, DOLR TUPAD, at mga Barangay Health Workers.

Naglinis at nagpulot ng mga basura ang grupo at nakalikom ng mga sako-sakong basura mula sa nasabing barangay.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng kapaligiran at hikayatin ang mga residente sa tamang pagtatapon ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *